47

Oct 25, 2017 @ 13:50

Media practitioner patay; live-in partner sugatan sa ambush

Patay ang isang media practitioner habang sugatan ang live-in partner nito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bislig City, Surigao Del Sur noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Christopher Ivan Lozada; 29 anyos media practitioner ng Prime Time Radio, sa Bislig City.

Habang ang live-in partner nitong sugatan ay kinilalang si Honey Faith Indog 25 anyos.

Ayon kay Police Chief Superintendent Rolando Felix,alas-9:15 ng gabi kagabi habang sakay ng kanyang sasakyan ang biktima kasama ang kanyang live-in partner ng pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang van na walang plate number.

Dead on the spot ang biktimang si Lozada habang isinugod sa Andres Soriano Hospital, Bislig City ang kanyang live-in partner na ngayon ay patuloy na inoobserbahan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bislig City Police Station sa krimen upang matukoy ang mga suspek sa pamamaril at maaresto. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?