By

Media pinagbawalan sa PH-US balikatan

Sharing is caring!

HINDI na pumayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magkaroon ng media coverage sa gaganaping ika-34 Philippine-US Balikatan.

Wala naman naibigay na dahilan ang AFP ukol sa ipapatupad na media ban sa taunang joint war exercise ng dalawang bansa.

Una nang naglabas ng imbitasyon ang AFP sa media para sa coverage ng amphibious landing exercise sa Naval Education Training Command sa San Antonio, Zambales sa Miyerkules.

Gayundin sa live fire exercise sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Crow Valley, Tarlac sa Mayo 15.

Ngunit kinansela ang mga imbitasyon sa media sa dalawang pagsasanay na bahagi ng Balikatan 34-2018.

Ang taunang war exercise, na magaganap sa simula bukas at magtatapos sa Mayo 18, ay alinsunod sa Visiting Forces Agreement (VFA) at Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Magiging bahagi din ng pagsasanay ang puwersang military ng Australia at Japan, samantalang ang United Kingdon naman ay magsisilbing observer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?