258

Nov 3, 2017 @ 15:39

Reporter patay sa vehicular accident sa Mindoro

Patay ang isang mamamahayag habang sugatan ang tatlo pa matapos ang naganap na vehicular accident sa Barangay Maligaya Gloria Oriental Mindoro kagabi,

Kinilala ang nasawing miyembro ng media na si Jose Nocum Pascua, Operational manager ng Radio Natin Station Pinamalayan at residente ng San Vicente East, Calapan, City Oriental Mindoro.

Sugatan naman sina Edmar Magadia Noay, 22 anyos isang electrician at residente ng Sitio Linao, Barangay Banus, Gloria Oriental Mindoro, at sina Noel Condesa Acosta, 25 anyos ng Barangay Balete, Gloria, Oriental Mindoro at John Christian Acosta Capitin, 13 anyos ng SitioTuril Barangay Maligaya, Gloria, Oriental Mindoro

Ayon kay Region 4B spokesperson Supt. Imelda Tolentino alas- 9:45 ng gabi kagabi ng bigla na lamang sumemplang ang motorsiklong sakay ang mga sugatang biktima sa gitna ng kalsada.

Sa pangyayari nawalan ng kontrol ang motorsiklo na minamaneho ng nasawing si Pascua dahilan para bumangga ito sa nakaparadang Isuzu elf truck sa lugar.

Patuloy na ginagamot sa Pinamalayan Community Hospital ang mga sugatang biktima habang gumugulong na rin ang imbestigasyon ng Gloria Municipal Police Station sa aksidente. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?