52

Oct 12, 2019 @ 19:32
By

Media orgs kinondena ang pananambang kay Pacquiao

Kinondena ng mga samahan ng media ang tangkang pagpatay sa radio broadcaster na si Pat Lucero Pacquiao sa Tagum City noong Biyernes ng umaga.

Si Pacquiao ang station manager at may-ari ng RP-FM Ang Radyo sa Masa sa Tagum City. Siya rin ang Davao del Norte provincial government information officer.

Pauwi na umano sa kanyang bahay si Pacquiao sakay ng kanyang sasakyan nang tambangan ng mga hindi pa kilalang gunman. Nakaligtas ang brodkaster pero nagtamo ng gunshot wound sa kanyang likuran at ginagamot ngayon sa isang ospital.

Sa kanilang statement, sinabi ng Mindanao Independent Press Council (MIPC) na hindi katanggap-tanggap ang ginawa sa miyembro ng media. Kung sumobra man umano si Pacquiao sa kanyang mga komentaryo ay dapat dinaan na lang sa legal remedies.

Nagpaalala naman ang MIPC sa mga media practitioner na ang freedom of expression ay may “limits”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?