502

Nov 30, 2019 @ 19:15
By

Media hindi pinapasok! Pagsindi sa P50M kaldero, naka-tape na

Naka-lockdown ang New Clark City sa araw kung kailan ang 30th Southeast Asian Games opening ceremony na dapat ay kasabay ng ceremonial lighting ng stadium cauldron.

Ngunit tila hindi ganito ang mangyayari sa ngayong edisyon ng SEAG.

Sa tweet ng Radyo Inquirer reporter na si Erwin Aguilon, hindi umano pinapasok ang media sa loob ng NCC at pinabalik na lang ang mga ito sa Linggo.

Marami pa umano ang dumayo para sa ceremonial lighting ng cauldron ngunit bigong makikita ito dahil naka-lockdown ang New Clark City.

Ayon sa report ng Inquirer.net, naka-taping na umano ang pagsindi sa cauldron at hindi kasabay ng mismong opening rites.

Matatandaan na nag-dry run na si Manny Pacquiao sa lighting ng P50-million cauldron, at noong Nobyembre 26 ay may video na kumalat kung saan makikita ang mga fireworks sa NCC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?