201

Apr 7, 2020 @ 11:48
By

Media ginising sa pagpapakalat ng balita

Hiniling ni National Press Club (NPC) Vice President Paul Gutierrez sa media na maging mapanuri sa pagpapakalat ng mga balita dahil malaki ang magiging impact nito ngayong may krisis sa kalusugan.

“Unang una po ang panawagan po ng National Press Club (NPC), sa lahat po ng ating mga kapatid sa hanap buhay, wag na po tayong makisawsaw sa pagpapakalat ng mga maling balita,” pahayag ni Gutierrez.

Dagdag pa niya, dapat ay maging source lamang ng balita ang mga official news channel.

“We can do this primarily by taking our sources or kumuha tayo ng ating mga source o balita dun sa mga official channels.”

“Marami naman pong official news channel and I think hindi rin nakakatulong sa ating sitwasyon ngayon na yung iba pa nating kasama sa hanapbuhay, eh ganito na nga – may krisis tayo ay nagiging iresponsable sa pamamagitan ng pagsi-sensationalize ng mga balita at pagti-twist sa anggulo po nila,” paliwanag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?