2

Aug 4, 2020 @ 16:11
By

Media ‘di na kailangan ng bagong media pass sa MECQ

Hindi na kailangang kumuha ng bagong media pass ang mga nagtatarabaho sa media industry sa dalawang linggong isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilang kalapit lalawigan.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos muling ipatupad ang MECQ sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Sinabi ni Roque na uubra na ang company ID ng mga nagtatrabaho sa media dahil kasali naman sila sa mga bukas na industriya sa panahong umiiral ang mahigpit na community quarantine.

“Work ID na lang pupuwede na yan kasi yan naman ang magpapatunay na kayo ay nagtatrabaho sa industriya na bukas habang MECQ,” ani Roque.

Matatandaang nag-isyu ng IATF ID sa media ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) noong Marso subalit ito ay nag-expire na noong June 20,2020.

Para naman sa mga quarantine pass sa mga barangay, ang mga lokal na pamahalaan na ang mangangasiwa sa pag-iisyu ng bagong quarantine passes.

Sa Lungsod ng Maynila, kinakailangan na ang one by one ID picture para mailagay sa quarantine pass na hindi ginawa noong unang naglabas ng quarantine pass noong Abril.

Layon nito na matiyak na iisang tao lamang ang gagamit at para maiwasan ang hiraman para sa mga gusto makalabas ng bahay o komunidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?