49

May 8, 2020 @ 12:49
By

McGregor kumasa sa boxing vs De La Hoya

“I accept your challenge, Oscar De La Hoya.”

‘Yan ang maikli pero malamang tugon ni UFC star Conor McGregor sa Mexican boxing legend na si Oscar de La Hoya.

Sa podcast ng CBS Sports na ‘State of Combat’ hinamon ni De La Hoya si McGregor na hindi umano tatagal ang Irish ng dalawang rounds kung siya ang nakaharap sa boxing ring.

“Oh come on, brother. Two rounds. One thing about me is I went for the kill, always. Look, Conor McGregor — I love him in the Octagon, I respect him, I watch him all the time. But the boxing ring is a whole different story, it’s a whole different story,” giit ni De La Hoya.

Halos isang dekada nang pahinga sa pro career sa boksing ang Mehikano matapos na pasukuin ni Manny Pacquiao noong 2008, ngunit bago magretiro ay nagkampeon muna sa anim weight division.

Si McGregor naman, isang beses pa lang nakakasampa sa boxing ring, na nauwi sa kahihiyan matapos ma-TKO ni Floyd Mayweather noong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?