147
ABANTE-TNT-MCGREGOR-AYAW-PACQ
Dec 18, 2017 @ 9:29

McGregor ayaw makalaban si Pacquiao

Mukhang malabong mangyari ang pinakaabangang laban sa pagitan ni Manny Pacquiao at mixed martial arts star Conor McGregor.

Sa isang panayam ng entertainment website TMZ, nagpahiwatig na si McGregor na wala siyang interes na laban ang 8-time division world champion na si Pacquiao.

“I think a true fight is what I want to do next,” sabi ng 2-division MMA champion. “A real fight.”

Nang tanungin ito kung saan ang susunod niyang laban, sinabing nito nais maglarong muli sa MMA.

Naunang nang sinabi ni Pacquiao na bukas siya pakikipag-usap para labanan si McGregor pagkatapos ng kanyang trabaho sa Senado sa Abril.

“If we can negotiate it, I have no problem. It is OK with both of us,” sabi noon ni Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?