15

Jul 16, 2021 @ 11:30
By

McGregor 1 taon pahinga sa bugbugan

Nilantad ni UFC President Dana White na posibleng sa 2022 pa muling mapanood si Conor McGregor sa loob ng Octagon.

“He’ll be back in a year,” ayon kay White sa panayam ng TMZ.

Mananatili umano ang ‘Fighting Irish’ sa Amerika para magpagaling at i-rehab ang kanyang nabiling binti bago bumalik sa Ireland.

Kakasalang lang sa surgery ni McGregor para lagyan ng titanium ang kanyang nabaling buto.

“I think they just released him right now from the hospital about 10-15 minutes ago,” sambit ni White. “He’ll be in L.A. for a little while and I don’t know if he’s gonna fly home or what he’s gonna do from there.”

Matatandaan na sa UFC 264 nabali ang binti ni McGregor sa first round ng laban kontra Dustin Poirier.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?