13

Aug 5, 2021 @ 9:21
By

‘McDreamy,’ misis ipinagdiwang ika-22 wedding anniv

Ipinagdiwang nina Grey’s Anatomy star Patrick Dempsey at Jillian Dempsey ang kanilang ika-22 anibersaryo bilang mag-asawa nitong Sabado.

“7/31/99 Can’t believe it’s been 22 years, feels like yesterday. I love you and don’t know what I would do without you,” saad ni Patrick sa caption ng kanyang Instagram post kung saan makikitang ikinakasal ang dalawa malapit sa dagat.

Nagkomento naman dito ang kanyang misis at sinabing “baby, I love how “footwear-practical” you were before we boarded the boat!”

“There was no way in hell I was removing my butterfly wedge Ferragamo heels!” dagdag pa niya.

Sa hiwalay na post, binati rin ni Jiliian ang kanyang mister.

“JULY 31st 1999 – you do the math! Happy anniversary to my love, Paddy. You make each day brighter. I love you ♥️ wifey.”

Kasalukuyang may tatlong supling ang dalawa – sina Talula Fyfe , Sullivan Patrick Dempsey, at Darby Galen Dempsey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?