37

McDaniels nilaklak ang SMB

Umararo si Kj McDaniels ng 44 points, 12 rebounds, 6 assists, 5 blocks at 2 steals upang tomain ng Talk ‘N Text ang San Miguel Beer, 112-109, at sakupin ang top four spot na may twice-to-beat edge sa wakas ng 44th Philippine Basketball Association 2019-2020 eliminations Miyerkoles ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Tinapos ng KaTropa ang kampanya sa No. 3 kabaraha ang nag-1-2 na North Luzon Expressway at Meralco. Pero naayos ang nasabing ranking via winner-over-the-other rule.

Bagsak ang grand slam-seeking Beermen sa No. 5 sa 6-5 sa likod ng 4th Barangay Ginebra San Miguel. Nasa 6th-7th-8th ang Magnolia, Alaska Milk at NorthPort.

Base sa pairings, may twice-to-beat ang top four teams sa crossover quarterfinals 1 vs 8, 2 vs 7, 3 vs 6 at 4 vs 5.

Ang iskor:

TNT 114 – McDaniels 44, Rosario 30, Pogoy 17, Castro 12; Reyes 5, Parks 4, Washington 2, Williams 0, Digregorio 0, De Leon 0.

San Miguel 109 – Holland 25, Romeo 18, Ross 16, Lassiter 16, Fajardo 13, Cabagnot 12, Tautuaa 8, Rosser 1, Pessumal 0.

Quarters: 37-25, 53-46, 87-77, 114-109.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?