46

Nov 16, 2021 @ 23:21
By

McCullough kinumbinsi si Brown sa SMB

Ngayon o sa susunod na buwan balak simulan ang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 PBA Governors’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kaya kanya-kanyang recruit na ang 12 team ng import.

Ang San Miguel Beermen si Brandon Brown ang isasabak sa nalalapit na season-ending conference.

Ibinahagi ni coach Leovino ‘Leo’ Austria na naging susi sa pagkuha nila kay Brown si Christopher ‘Chris’ McCullough, ang katuwang ng Beermen nang magkampeon sa 2019 Commissioner’s Cup.

“One time we saw him with Chris McCollough so I asked Chris how is he as a player. Nasa isang gym lang sila. Okay daw and he is working out regularly,” ani Austria Martes.

Unang naglaro sa pro league si Brown taong 2017 para sa Phoenix Super LPG. Beterano na rin siya ng Korean Basketball League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?