627

Dec 27, 2017 @ 18:31
By

McCoy-Elisse natural at hindi plastik magpakilig

BASE sa mga nakapanood na ng movie, de-kalidad ang Ang Panday. Pasado si Coco bilang isang direktor. People are surprisingly amazed by the movie. Nakuha ni Coco ang kiliti ng moviegoing public tuwing Kapaskuhan.

“Halatang ginastusan ang movie, hindi tinipid. Parang hindi first time director ang gumawa. Ang lalaki ng eksena, even visual effects, malinis,” ang nag-iisang komento ng mga nakapanood na.

Ibang-iba na Coco Martin ang napanood ng tao sa Ang Panday. Kakaiba sa gabi-gabing napapanood nating karakter niya sa Ang Probinsyano. Marami rin ang nakapansin sa husay ni Jake Cuenca na gumanap bilang Lizardo. Pati ang batang si Awra Briguela ay napakahusay sa mga eksena nito.

Natural ang kilig na hatid nina McCoy de Leon at Elisse Joson sa movie. Kaya tama lang ang desisyon na bigyan na rin sila ng magagandang project next year.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?