57

Jul 15, 2019 @ 18:13
By

McCartney, Ringo Starr nag-reunion sa LA

Umalingawngaw ang hiyawan ng crowd sa Dodger Stadium sa Los Angeles Sabado ng gabi nang lumitaw sa Freshen Up tour ni Paul McCartney ang kabanda niya sa Beatles na si Ringo Starr.

“We’ve got a surprise for us, a surprise for you, a surprise for everyone. Ladies and gentlemen, the one and only Ringo Starr,” intro ni McCartney.

Nagyakapan sa stage sina McCartney at Starr, ang natitira na lang na mga miyembro ng Beatles.

Guest din sa tour si Joe Walsh, ng Eagles, para tapusin ang concert sa pagkanta ng “The End” ng Beatles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?