42

Mayweather vs Pacquiao wala akong pake! – Broner

Sharing is caring!

Para kay Adrien Broner, hindi niya alintana ang nabubuong iringan sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Matatandaan na nagsimula ang silab kina Pacquiao at Mayweather nang magkita ang dalawa sa isang music festival sa Japan noong Setyembre, at mas lalo pang nadagdagan ang ningas sa pagbuwelta ni Pacquiao sa naging laban ni Mayweather kontra sa isang Japanese kickboxer.

“No disrespect, but I don’t give a f*ck about Mayweather and Pacquiao,” pakli ni Broner.

“I’m focused on Adrien Broner and Pacquiao, and, you know, I’m focused on getting this victory and I’m gonna go to the drawing board with my team – Stephen Espinoza and Al Haymon – and we gonna make bigger moves,” dagdag pa niya.

Lalabanan ni Broner si Pacquiao sa Enero 19 (20 sa Pilipinas) para sa WBA welterweight belt sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?