2,268

By

Mayweather talsik bilang Forbes’ highest paid athlete

Napalitan si Floyd ‘Money’ Mayweather Jr. bilang pinakamalakas kumitang atleta sa listahan ng Forbes.

Ayon sa business magazine, si Barcelona football star Lionel Messi ang highest paid athlete sa nagdaang taon.

Humamig ng nasa $127M ang Argentinean sa kanyang sweldo bilang manlalaro at mga endorsement, sumungkit ng kampeonato sa La Liga ngayong taon at isa sa kanilang sinandigan nang umiskor ng 36 goals.

Pangalawa naman ang isa pang football athlete na si Juventus player Cristiano Ronaldo ($109 million), ikatlo si Brazilian Neymar ($105 million), Mexican boxer Canelo Alvarez ($94 million) at Swiss tennis great Roger Federer ($93.4 million).

Samantala, wala ang pangalan ni Mayweather sa Top 10, tanging exhibition match sa Japan ang naging aktibidad sa palakasan.

62 namang Amerikano ang nakasama sa listahan, lima mula UK, tatlo sa France at Spain, habang may tigdadalawa ang Brazil, Canada, the Dominican Republic, Germany, Serbia at Venezuela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?