88

By

Mayweather pambato pa rin ng mananaya, liyamado kontra Pacquiao

Sharing is caring!

Mabilis na sumiklab ang balitang rematch nila Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao sa social media matapos ito inanunsyo ng ‘The Money’ sa kanyang Instagram account.

Bagama’t hindi pa talaga kasado ang muling pagtutuos ng dalawang mabangis na boksingero ngayong henerasyon, kaagad lumabas ang opening odds kung saan si Mayweather ang tinaguriang liyamado laban kay ‘Pambansang Kamao’.

Nitong Sabado lang, Setyembre 15, nagkrus ang landas nila Pacquiao at Mayweather sa isang event sa Japan kung saan parehong kampo ang interesadong buhayin muli ang kanilang rivalry. Pinost pa nga ito Mayweather sa kanyang Instagram account kasabay ang balak nilang rematch ngayong taon.

Matatandaang halos limang taon inabangan ng mga tao ang kanilang duwelo at noong Mayo 2015, tinalo naman ni Mayweather si Pacquiao sa tinaguriang laban na ‘Fight of the Century’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?