165

By

Mayweather-Pacquiao rematch, itatapat sa Mayo

Sharing is caring!

Dahil parehong lalaban ng pampagana sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao, mauurong ang posibleng rematch sa pagitan nila sa gitna ng 2019.

Sa Enero sa susunod na taon, lalabanan ng ‘Pambansang Kamao’ si Adrien Broner, samantalang naghahanap ng makakasagupa si Mayweather na target makabalik sa Disyembre ngayong taon.

Matapos ng pampainit, muling mag-uusap ang bawat kampo ng dalawang boxing legend, at ayon kay Pacquiao sa ulat ng Daily Mail, Mayo ang nais na buwan ng ‘Fighting Senator’.

“After that, we’ll know… he’s coming back, we’ll discuss it after Broner. If that fight happens, I want Cinco de Mayo (May 5) or July,” pakli ni Pacquiao.

Huling nagsagupaan ang dalawa noong 2015, ang pinakamalaking boxing event pagdating sa kita, kung saan nanalo si Mayweather via decision.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?