22

Oct 18, 2020 @ 16:15
By

Mayweather niyabang halos P1M panalo sa pustahan

Hindi lamang si Teofimo Lopez ang abot tenga ang ngiti sa pagkapanalo kontra Vasyl Lomachenko, Linggo ng gabi sa Amerika.

Ito’y matapos na ipakita ni Mayweather ang resibo ng kanyang pagtaya sa pustahan kung saan naging manok niya si Lopez.

Sa naturang pusta, tumaya ng $6,500 si Mayweather, at nanalo ng $20,150 o halos P1M.

“A light win,” ayon sa post ng retiradong boksingero.

Sa naturang laban, na-upset ni Ukrainian Lopez si Lomachenko sa unanimous decision win para maging unified lightweight champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?