Mayweather nag-shopping sa Mall of Asia

Sharing is caring!

Matapos magbabadad sa El Nido, Palawan, lumipad pa-Maynila si retired boxing champion Floyd Mayweather Jr. para mag-shopping sa Mall of Asia.

Sa official Facebook page ng SM MoA, makikita ang ‘undefeated boxer na tumutingin sa isang sports-apparel store.

Noong Martes, sinorpresa ni Mayweather at ng kanyang Money Team ang Pilipinas matapos magbakasyon sa Palawan.

Naging mainit naman ang pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy sa El Nido kung saan nakikanta at nakisayaw pa ito sa mga babaeng matatanda sumalubong sa kanya habang naggigitara.

Nakilaro din si Mayweather ng basketball sa mga lokal na kabataan doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?