298

By

Mayweather na-‘knockout’ ng streetball legend

Hindi umubra ang pagiging undefeated boxer ni Floyd Mayweather Jr. sa kilalang streetball legend na si Larry “Bone Collector” Williams.

Sa kauna-unahang pagkakataon, natumba sa sahig ang American fighter at hindi lang basta natumba, nasaktan maging ang iniingatan niyang pride.

Mapapanood sa kumalat na clip sa social media na sinubukan ni Mayweather na guwardiyahan sa Monster Energy 50K Charity Challenge sa UCLA Pavillon sa Los Angeles nitong Martes si Williams pero hindi nagtagumpay.

Binansagang “Bone Collector” si Williams dahil sa mga napilay nitong player dahil sa kanyang mga “nasty moves”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?