46

Dec 19, 2017 @ 17:43

Mayweather, McGregor target ni UFC star Georges St-Pierre

Sumawsaw na rin sa hanay ng mga gustong makabakbakan sa boxing ring sina Floyd Mayweather at Conor McGregor ang nagbabalik na si UFC superstar Georges St-Pierre.

Binakante ni St-Pierre ang middleweight title at asam na bumalik sa welterweight matapos ang apat na taon na pagreretiro.

Ayon sa Boxingscene, sinabi umano ng head coach ni St-Pierre na interesado lang ang manlalaban sa malaking showdown kung saan pinangalanan niyang target sina McGregor at Mayweather.

Nagretiro na si Mayweather matapos gapiin noong Agosto sa junior middleweight fight si UFC superstar McGregor.

Habang si McGregor ay hindi pa lumaban kailanman matapos matalo kay Mayweather.

Posibleng matupad umano ang nais ni St-Pierre na makaharap sinuman sa dalawa dahil malakas ang koneksiyon nito sa boksing.

Nagtrabaho kasi siya kay Hall of Fame trainer Freddie Roach nang ilang taon sa Wild Card Boxing Club sa California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?