209

Dec 16, 2017 @ 19:41

Mayweather-McGregor fight, 2nd richest sa kasaysayan ng boksing

Pasok bilang second richest boxing bout sa kasaysayan ng boksing ang bakbakan nina Floyd Mayweather at Conor McGregor noong Agosto sa Nevada, USA.

Sa pahayag ng Showtime sports, ang August fight sa pagitan nina boxing star Mayweather at mixed martials arts king McGregor ay nakalikom ng 4.3 million pay-per-view buys sa North America.

Pumangalawa ito sa laban naman nina Mayweather at Manny Pacquiao noong 2015 na nakahamig ng 4.6 million buys at may kitang $600 milyon.

Ang kabuuan ng Mayweather-McGregor pay-per-view buys ay halos nadoble ang ikatlong pinakamalaking laban sa pagitan naman nina Mayweather at Oscar De La Hoya noong 2007 na may 2.48 million buys.

Ayon pa sa Showtime, sa kabuuang kita naman na kinapapalooban ng benta sa tickets, sponsorship at international distribution, nalagpasan ng Mayweather-McGregor fight ang $600 milyon.

Samantala, sinabi ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa AFP na nais din niya ng sariling showdown nila ni McGregor kung saan sinabi nitong posibleng sa Abril ang kanilang bakbakan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?