Mayweather dumating na sa Pinas, napalibutan ng mamahaling sasakyan

Sharing is caring!

Lumapag na sa bansa ngayong araw (Mayo 8) si Floyd Mayweather Jr.

Sakay ang dating world champion ng Money Team jet at napalibutan ng iba’t ibang uri ng sasakyan nang dumating sa bansa.

Kabilang na rito ang Rolls Royce na may “TMT” logo pero mas pinili nito na gumamit ng Lamborghini.

“We have to see what the country holds, but I’m pretty sure there are so many great things,” ani Mayweather nang lumapag sa Pilipinas.

Hindi naman malinaw kung ano pakay niya sa bansa pero ayon sa kanya, andito siya para mag-enjoy.

“I’m just here to have fun, and enjoy life, and enjoy this great country,” sabi pa ni Mayweather.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita sa Pilipinas si Mayweather.

Nagretiro ito matapos patumbahin noon si Conor McGregor na napanatiling malinis ang record sa 50-0. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?