107
mayweather

Mayweather, dadating sa PHL!

Sharing is caring!

Papunta na si American boxer Floyd Mayweather Jr. para bumisita sa Manila ngayong araw.

Sa video na ipinoste sa Instagram ni Wendell Cunanan ng Vans Philippines, inihayag ni Mayweather ang pagmamahal nito sa Pilipinas at ang pagdating niya sa bansa.

“I’ll be over in the Philippines tomorrow,” ani Mayweather sa video na inilabas noong Linggo.

“We’re gonna have fun, we’re gonna enjoy ourselves.”

“Philippines, I love you, I’m on my way,” dagdag pa ni Mayweather.

Wala namang iba pang detalye na inilabas hinggil sa pagbisita ng boksingero sa bansa.

Nagretiro noong nakaraang taon sa pagboboksing si Mayweather matapos nitong patumbahin si dating UFC champion Conor McGregor ng Agosto.

Isinabit niya ang kanyang gloves tangan ang 50-0 win-loss record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?