155

Jul 16, 2019 @ 22:08
By

‘MayWard’, No. 1 love team sa Twitter

Pinataob ng tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber na “MayWard” ang iba pang nangungunang love team sa Pilipinas matapos makuha ang number one spot sa Top Loveteams list ng Twitter Philippines.

Pumangalawa sa kanila ang “AlDub” nina Alden Richards at Maine Mendoza, kasunod ang nabuwag na umanong “DonKiss” nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin.

Pang-apat ang “KathNiel” (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) habang top 5 ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?