292

Dec 29, 2019 @ 17:51
By

MayPac2 gagawin sa $1.9B stadium

Kung matutuloy ang rematch nina WBA welterweight kingpin Manny Pacquiao at retired undefeated champion Floyd Mayweather Jr., dapat itong gawin sa bagong 65,000-seater Allegiant Coliseum.

Ayon sa presidente ng Manny Pacquiao Promotions na si Sean Gibbons, sakaling magbago ang ihip ng hangin at pumayag na sa rematch kay Manny si Floyd, dapat sa US$1.9 billion stadium ng Las Vegas Raiders ito gawin.

“He (Floyd) should fight Manny Pacquiao,” sey ni Gibbons.

“Do you know why? Because we’ve got this beautiful new stadium opening in Las Vegas called the Allegiant Stadium, home of the Las Vegas Raiders. There’s no better way to inaugurate that stadium at the end of the year.”

Bukod kay Mayweather, nasa radar din ng Team Pacquiao bilang posibleng kalaban sa 2020 sina Danny Garcia at Mike Garcia, habang panay din ang hamon ni Errol Spence sa ‘Pambansang Kamao’.

Bagama’t 41-anyos na si Pacquiao ay hindi pa ito kinakitaan ng pagbagal bagkus ay tila bumalik ang dating bilis at bangis nito sa ibabaw ng ring, pinakahuli nang agawan ng WBA belt si Keith ‘One Time’ Thurman nitong Hulyo sa Las Vegas, Nevada via split decision.

Ang nasabing stadium ay may ‘retractable natural turf field, large operable walls’ na bukas sa magagandang view ng world-renowned Las Vegas Strip at naggagandahang premium sky-boxes.

Pero mangyayari lamang umano ito kung papaya na si ‘Pretty Boy’ sa matagal nang hamon ng fighting senator.

“If it happens, great…but that’s always up to Floyd,” panapos ni Gibbons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?