30

Mayoral bet sa Bulacan, nagbarikada para makaiwas sa aresto

Sharing is caring!

Nagbarikada sa loob ng kanyang bahay ang isang kandidato para sa pagka-alkalde upang hindi siya masilbihan ng arrest warrant sa kasong qualified theft.

Ayon sa ulat, mula Huwebes ng gabi (Dec. 6) hanggang kaninang umaga (Dec 7) ay nagkulong na sa bahay niya si Andre Santos at paniniwala ng pulisya na armado ito.

Pinipigilan nito ang pulisya na isilbi sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ng Parañaque regional trial court, alas-otso ng gabi noong Huwebes.

Sabi ng mga kaanak nito, hindi umano susuko si Santos dahil naniniwala itong layon lamang ng kasong isinampa sa kanya na sirain ang kanyang kandidatura sa darating na midterm elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?