14

Feb 10, 2021 @ 14:41
By

Mayor Zamora unang papaturok sa San Juan

Nagboluntaryo si San Juan City Mayor Francis Zamora na unang mabakunahan laban sa COVID-19.

Ito ay upang mawala umano ang takot ng mga constituent niya sa bakuna.

Kahapon, nagbahay-bahay si Zamora at iba pang opisyal para sa information drive upang magkaroon ng kaalaman ang mga residente nila tungkol sa virus at sa bakuna.

Naglaan din ng on-the-spot online registration station para sa mga residente nilang walang internet upang makapagpalista sa mga tatanggap ng COVID-19 vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?