153

Mar 18, 2020 @ 17:32
By

Mayor Vico mamimigay ng 400K food packs; 8K bote ng vitamins

Naglaan ang Pasig City government ng P160 milyong budget para pambili ng 400,000 food pack at 8,000 bote ng vitamin.

Inanunsyo ng Pasig City government na naghahanda na silang mag-distribute ng 400,000 food packs at 8,000 bote ng vitamins para sa kanilang mga residente.

Ang bawat food packs, ayon sa alkalde, ay nagkakahalaga ng P397 at naglalaman ng tatlong kilo ng bigas, dalawang lata ng sardinas, dalawang lata ng corned tuna, dalawang lata ng corned beef at dalawang lata ng meat loaf.

Nakatakda itong ipamigay sa Huwebes, Marso 19.

“Hindi magiging madali ang logistics nito. Wala na po tayong panahon para mag-organisa… Hihingi ang lungsod ng tulong sa mga pamahalaang pambarangay para sa distribusyon,” ani Mayor Sotto sa Facebook post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?