34

May 22, 2020 @ 17:41
By

Mayor Treñas sa DepEd: Klase sa Iloilo, suspendihin ngayong 2020

Nanawagan si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa Department of Education (DepEd) na huwag ituloy ang balak na sa Agosto 24 ngayong taon buksan ang klase.

Sa liham na pinadala ni Treñas kay DepEd Secretary Leonor Briones, pinaliwanag nito na posibleng hindi maging epektibo ang kanilang ginagawang measure para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lungsod kung bubuksan ang klase sa Agosto.

Ayon kay Treñas, sa ngayon ay delikado pa sa COVID-19 ang kabataan lalo pa’t wala pang bakuna na nade-develop para sa virus.

“As to this date, there was still no available vaccine against the COVID-19 virus. This lack of vaccine may unduly expose the children, who are among the vulnerable persons to the COVID-19 virus,” saad ni Treñas.

Isa pang pinoproblema ng alkalde ay ang kakulangan ng mass transportation dahil 50 percent lamang ng capacity ng mga public vehicle ang pinayagang isakay, at mas magiging mabigat sa oras na payagan ang pagpasok ng mga estudyante.

“To date, the riding public in Iloilo City is currently experiencing shortage in public transportation services such that some of our constituents were enduring long waiting times and/or choosing to walk to/from work,” aniya pa.

Kaya naman nais ni Treñas na sa susunod na taon na buksan ang klase sa Iloilo dahil sa mga nabanggit na dahilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?