51

Mar 11, 2020 @ 15:53
By

Mayor Sara, Ungab kinumpirma bilang Army reserve

Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ang appointment nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Davao Rep. Isidro Ungab bilang colonel ng Philippine Army’s reserve force.

Inendorso ng mga administration senator ang promotion nina Duterte-Caprio at Ungab na parehong naging bahagi ng reserve force noong 2008.

“Mas istrikto pa po ito kaysa sa tatay niya,” pahayag ni Senador Christopher “Bong” Go sa plenary patungkol kay Duterte-Carpio, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi naman ni Go, si Ungab ang unang mambabatas sa Mindanao na naging chairman ng House Committee on Appropriations.

“It is a position he held with integrity and resolve,” sabi ni Go.

Inilarawan naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri si Ungab bilang “very well-loved person and a very decent man.”

Bukod kina Duterte-Caprio at Ungan kinumpirma na rin sa CA ang ad interim appointment ng 20 iba pang senior military officer sa pangunguna ni Navy chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo.

Lusot din sa CA ang kumpirmasyon ng 12 opisyal ng Department of Foreign Affairs sa pangunguna ni Millicent Cruz-Paredes, Ambassador to the Kingdowm of Thailand at Permanent Representative to the United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific, at Rodolfo Dia Robles, Ambassador to Canada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?