119

Nov 11, 2021 @ 18:50
By

Mayor Sara umanib sa Lakas-CMD

Ilang oras matapos magbitiw sa Hugpong ng Pagbabago (HNP), nanumpa si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Nanumpa si Mayor Duterte kay Lakas-CMD President at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez sa Revilla Farm sa Silang, Cavite.

Pinirmahan ni Mayor Duterte ang kanyang oath of membership alas-6 ng gabi.

Si Lakas-CMD chairperson at Sen. Ramon Bong Revilla ay nagsilbing saksi sa panunumpa.

Sa pangyayaring ito, maaari nang mag-substitute si Mayor Duterte sa kandidato ng Lakas-CMD sa national position.

Matatandaan na naghain ng certificate of candidacy sa pagkapangulo ang miyembro ng Lakas-CMD na si Anna Capella Velasco. Ang miyembro naman ng partido na si Lyle Fernando Uy ay naghain sa pagka-bise presidente.

Ang huling araw ng paghahain ng aplikasyon para sa substitution ay sa Nobyembre 15. Bukas ang tanggapan ng Commission on Elections sa Sabado.

Ang Lakas-CMD ay nasa likod ng dalawang pangulo ng bansa. Sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Romualdez na malugod na tinatanggap ng mga opisyal at miyembro ng partido si Mayor Duterte na inilarawan nitong “very promising leader and a tremendous asset to the Lakas-CMD.”

“We had long been inviting Mayor Inday to join our party as we are all impressed with her sterling qualities as a leader and we saw up close her exemplary work ethic as chief executive of Davao City,” sabi ni Romualdez.

Hindi umano maitatanggi ang magandang track rekord nito sa pagiging alkalde ng Davao City.

“I am confident that with Mayor Sara’s exceptional brand of leadership, she can help our party chart a new course that will ensure a brighter tomorrow for our children and the next generation,” dagdag pa ni Romualdez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?