80

Oct 9, 2021 @ 15:48
By

Mayor Sara, todo ‘TY’ sa mga taga-suporta

Nagsara ang filing ng certificate of candidacy (COC) nitong Biyernes nang hindi tumakbong pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, sa kabila ng pagtungo ng kanyang mga taga-suporta sa paligid ng Sofitel Hotel.

Marami ang umasang magbabago ang isip ng alkalde at tumakbong pangulo kahit pa una na itong naghain ng COC para muling tumakbong alkalde.

Kaya sa kanyang social media post, binuhos ni Mayor Sara ang taos-pusong pasasalamat sa mga tagasuporta.

“Kahapon, marami sa inyo ang naghintay, umiyak, nalungkot, nagalit, sumakabilang-bakod pati na siguro napagod, napuyat, nauhaw at nagutom. Pero wala man ako sa Sofitel, hinding hindi naman kayo nawalan ng pag-asa at tiyaga sa paghihintay,” saad ng alkalde.

“Sa pakiramdam ko, lalo pang lumakas ang inyong tiwala at suporta, isang pagnanais sa isang matibay at tapat na liderato,” dugtong pa niya.

“Napakasarap isipin na nandiyan kayo, solid ang suporta at pagmamahal, saan mang puwesto, kahit anong panahon. Itaga niyo sa batong hindi ko ito makakalimutan,” wika pa ng alkalde.

Si Mayor Sara ang nanguna sa huling pre-election survey sa pagkapangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?