42

Mar 11, 2020 @ 21:37
By

Mayor Sara, tinangging takot sa kanya si Digong

Palagi umanong nakasuporta si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagharap niya sa Commission on Appointments nitong Miyerkoles, Marso 11 para sa kanyang kumpirmasyon bilang isang Army Reservist Colonel, sinagot ni Mayor Duterte ang tingin ng marami na takot sa kanya ang Pangulo.

“That is something that is only in his mind. I always supported him, his personal decisions, his career decisions. Initially, I did not support his intention to run for President but I belatedly supported it,” paliwanag ng alkalde.

Magugunitang noong 2018 inamin ng Presidente na si Mayor Sara ang dahilan kay napatalsik si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

Pinalitan si Alvarez ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?