89

By

Mayor Sara, pinababawi kay Duterte ang desisyon sa peace talks

Sharing is caring!

Umapela si Davao City Mayor Sara sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na kung maaari ay bawiin ang desisyon na muling makipag-usap sa New People’s Army.

Ayon sa presidential daughter, walang indikasyon na gusto ng lahat ng mga rebelde na muling magkaroon ng usapang pangkapayapaan.

Sa inilabas na pahayag nito, sinabi ni Mayor Sara na naniniwala siya na walang patutunguhan at maaaring makasama pa sa panig ng gobyerno kung muling magkakaroon ng peace talks.

“Respectfully, I am asking President Rodrigo Duterte to reconsider his decision to reopen the negotiations with the National Democratic Front of the Philippines,” ayon sa alkalde.

Gayunpaman, sinabi nito na hindi naman niya kinukuwestiyon ang karunungan ng pinakamataas at pinakamakapangyarihang indibiduwal sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?