241

By

Mayor Sara napundi na: ‘Trillanes tantanan mo ako!’

Sharing is caring!

Nasagad ang pasensiya ni Davao City Mayor Sara Duterte kay Senador Antonio Trillanes IV kaya’t pinagsabihang tigilan na nito ang pang-iintriga sa kanya.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Trillanes na isusulong umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Mayor Sara bilang huling baraha nito para sa 2022.

Sa Facebook post ng alkalde, sinabi nitong mas makabubuting manahinik ang senador dahil ang huling taong nang-inis sa kanya ay bumagsak sa pulitika at nawalan ng bilyong pisong kita.

Gaya aniya ng naging payo niya kay House Speaker Pantaleon Alvarez, sinabi ng alkalde na huwag siyang isipin, banggitin o ibulong ang kanyang pangalan, at hayaan siyang manahimik kung ayaw nitong gumastos ng bilyong piso kasama ang mga kaibigan sa 2022.

“Leave me in peace in Davao City or else you and your friends will spend more than a billion in the 2022 Presidential elections just to make me insignificant. Let me repeat, do not bother me and my slot will be available for a yellow Senator for the 2019 elections,” ani Mayor Sara.

Kung sa tingin aniya ni Pangulong Duterte na mababaril ang senador, mas gugustuhin niyang buhay ito para maramdaman ang sakit.

Pinayuhan pa ng alkalde ang senador na huwag siyang galitin para magkaroon pa ito ng kabuluhan para sa mga susunod na henerasyon.

“President Duterte imagines you will be shot, on the other hand, I will make sure you are alive and in pain. I have been described as heartless by my mother, please do not anger me so that you may remain relevant for the future generation. And you should listen to my mother,” dagdag pa ng alkalde. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?