78
ABANTE inday sara duterte ayaw resign term extension
By

Mayor Sara nanindigang hindi tatakbo, nag-endorso ng mga kandidato

Sharing is caring!

Muling pinawi ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga espekulasyon na tatakbo ito sa pagka-senador sa 2019 mid-term elections.

Sa halip ay inendorso ng alkalde ang apat na mga personalidad at hiningi ang suporta ng mga barangay captain para sa kandidatura ng mga ito.

Kabilang sa mga inendorso ng alkalde sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Maguindanao Congressman Zajid Mangudadatu, dating Philippine National Police Chief Ronald “Bato’ dela Rosa at Special Assistant to the President Bong Go.

Sa oath-taking ng mga bagong halal na barangay captains sa Davao Oriental noong Linggo, sinabi ni Mayor Sara na ayaw niyang tumakbo sa pagka-senador dahil mas gusto nitong manatili sa Davao.

Gusto aniya nitong palakasin ang Davao Region para kapag natapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magiging masaya ang mga Dabawenyos.

“Dili ko gusto modagan as senator (I do not want to run for senator), want to stay in Davao. For now, I just want to make the Davao Region strong so that, when the term of President (Rodrigo) Duterte ends, Dabawenyos will be very happy,” anang alkalde.

Kasama ring inendorso ni Mayor Duterte si Senadora Cynthia Villar para sa kanyang pangalawang termino.

Si Mayor Sara ang chairman ng Hugpong ng Pagbabago local political party na naunang inintriga ni House Speaker Pantaleon Alvarez. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?