ABANTE inday sara duterte ayaw resign term extension
By

Mayor Sara, nagpatutsadang muli kay Trillanes

Sharing is caring!

Matapos ang matapang at maaanghang na mga pahayag noong Miyerkules ay muling nag-post si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang Facebook page para kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sa pagkakataong ito ay umaapela ang alkalde sa publiko para iboto si Trillanes at ang kanyang mga dilawang kaiibigan sa ilalim ng Magdalo partylist.

Ayon kay Mayor Sara, kailangan ng grupo ni Trillanes na manalo dahil ito ang perpektong paraan para makaalis.

Binigyan din ng alkalde ng kahulugan ng “yellowtard”na aniya ay walang bahid-dungis, banal at perpekto.

“Please vote for Trillanes under the Magdalo Partylist and his yellow friends. They need to survive because they are perfect and perfect is the way to go,” anang alkalde.

Matatandaang binanatan ng alkalde si Trillanes dahil sa pang-iintriga umano sa kanya na ang tinutukoy ay patatakbuhin siya ng Pangulo sa pagka-senador at pagka-Presidente sa magkasunod na eleksiyon sa 2019 at 2022 para umano hindi makasuhan ang Presidente pagkatapos ng kanyang termino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?