135

Jul 19, 2018 @ 15:14
By

Mayor Sara nagbabala vs gumagamit ng larawan kasama siya

Nagbigay ng kanyang saloobin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio laban sa mga oportunistang ginagamit ang larawan na kasama siya sa iligal na mga aktibidad.

“The public is warned about deceitful individuals who use their picture with Mayor Inday Sara Duterte to claim that they have close friendships or have influence over the mayor or are authorized by the Mayor to conduct an activity,” ayon sa pahagay ng alkalde.

Kabilang dito ang ilang indibiduwal na sangkot sa narco-list ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency na ginagawang padrino ang pagkakakilala umano nila ng alkalde.

Kaya naman agad na umaksyon si Mayor Sara at sinabing wala siyang koneksyon sa mga ito kahit may ipakita pa itong larawan na magkasama sila.

Hindi rin kinukunsinti ng alkalde ang anumang iligal na aktibidad lalo pa at alam niyang ikasisira ito ng kanilang reputasyon.

Hindi kailanman umano nakikita ng alkalde ang listahan ng narco-list kaya kahit sino ay puwedeng makapagpa-picture sa kanya.

“Mayor Duterte has not seen the list and do not intentionally meet and take pictures with these individuals to make it appear that they are friends,” dagdag na pahagay ni Mayor Sara.

“It is the policy of the Office of the City Mayor to try to accommodate all requests for photo opportunities. Mayor Duterte does not discriminate on who to take pictures with. The public is hereby warned to be cautious about claims of individuals based on a photograph,” sabi pa sa pahayag.

Dagdag pa ng alkalde, huwag bigyan ng malisya ang anumang makikitang larawan na kasama siya at huwag na huwag gagamitin ito bilang panangga sa maling transaksyon.

Nagbabala rin ang alkalde sa ilang grupo na sinasabing kasapi ng Tapang at Malasakit Alliance of the Philippines (TMAP) na nagso-solicit ng pondo para umano sa kanyang 2019 senatorial bid.

Isa na rito ang nasa Facebook page na 2019 Senator Movement na napag-alamang nangangalap ng pondo gamit ang TMAP, isang grupo na sumuporta sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

Ang Facebook account na Inday Sarah Duterte-Carpio for 2019 Senator Movement ay hindi rin umano niya pag-aari at hindi awtorisadong kumakatawan sa kanya. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?