58

Mar 30, 2020 @ 22:37
By

Mayor Sara: May senyales ng community transmission ng COVID-19 sa Davao

Nilinaw ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang pasyenteng sinasabing tinamaan ng COVID-19 sa kanilang lungsod ay walang travel history at hindi rin dumalo sa crowd-drawing cockfight derby na ginanap sa New Matina Gallera.

“There has been a patient who acquired the disease without travel history from virus-contaminated areas and did not attend the cock-fight event in Matina,” saad ni Sara.

Dahil dito ay di itinanggi ng lady mayor na may senyal ng community transmission sa kanyang nasasakupan. Gayunman ay hindi pa ito tiyak kung saan lugar ito sumingaw.

Inamin din ng 41-anyos na mayora na ang pagdami ng PUI sa kanilang lungsod ay mula sa pagdadalo sa nasabing sabong.

Sa ngayon ay tina-trace na aniya kung saan nagmula ang sakit at ang mga PUI ay kasalukuyan nang naka-14 day quarantine upang masiguro ang kanilang kalusugan.

“Take the precautionary measures,” payo pa nito. “Stay at home, wash your hands regularly and observe social distancing. People are also mandated to wear the proper masks when going out of the house.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?