132

Sep 19, 2021 @ 16:25
By

Mayor Sara magdesisyon na, ‘wag hintayin pag-atras ng ama

Hindi na umano kailangan pang hintayin ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na umatras ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo sa vice presidential election bago ito magdesisyon na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Presidential Adviser for Political Affairs Secretary Jacinto Paras, kapag nakita ni Duterte ang malakas na panawagan para tumakbo ang anak ay aatras na ito.

“If you go into politics, your service is to the nation, to your people,” sabi ni Paras, dating kongresista ng Negros Oriental.

Iginiit pa ng dating kongresista na ang una ay Diyos, sumunod ang bansa bago ang pamilya.

Kahit nangunguna sa mga survey, sinabi ni Carpio na hindi na ito tatakbo matapos tanggapin ng kanyang ama ang nominasyon ng PDP-Laban na maging kandidato sa pagkabise presidente.

“One cannot choose the niceties of a family agreement over this higher calling,” sabi pa ni Paras. “I understand where Mayor Sara is coming from: may usapan na sila ng Pangulo…but that’s within the family…. When there is a clear clamor for you to serve in a higher office, you have no choice. That should be the only basis for your decision.”

Kumpiyansa si Paras na hindi na kailangang sabihan pa si Duterte na umatras kapag nakita nito na mapupunta ang bansa sa maayos na lider.

“He will possibly withdraw on his own, and let Mayor Duterte pick her own running mate for next year’s polls,” dagdag pa ni Paras na nagsabi na ang nais lamang ni Duterte ay magpatuloy ang kanyang mga magagandang nasimulan.

Sa kabila ng pahayag na tatakbong muli sa pagka-alkalde, patuloy umano ang pagdating ng mga sumusuporta sa citizens movement na Hugpong Para kay Sara (HPS) na nananawagan na tumakbo si Carpio. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?