167

Oct 20, 2021 @ 19:55
By

Mayor Sara inudyukan si Roque na ituloy Senate bid

Ibinunyag ni Presidential Spokesman Harry Roque na kinausap siya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para ituloy ang planong pagtakbo sa senado.

Ayon ayon Roque, tinawagan siya ng alkalde sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy noong October 8 para ituloy ang senatorial bid nito subalit hindi sinunod ang alkalde.

Ikinatwiran ni Roque na hindi niya alam kung sino ang presidentiable ng kanyang tatakbuhang partido, lalo na kung hindi naman siya naniniwala dito.

“I will reveal for the first time that on the last day of filing Mayor Sara called me and she in fact, said that I should run. She was persuading me to run and I told her na ang hirap naman tumakbo na hindi ko talaga alam kung sino man lang yung ulo, how much more yung ulo na I do not believe in,” ani Roque.

Bukod dito sinabi ng kalihim na wala siyang salaping gagastusin para sa kampanya dahil hindi naman ito mayaman at hindi rin siya anak ng politiko.

Nakapagpasya na aniya ito na hindi na tatakbo ngayong darating na eleksyon.

Pero sinabi ni Roque na mag-uusap pa rin sila ni Mayor Sara para talakayin kung ano ang gagawin sa mga supporter ng alkalde na umaasa pa ring hahabol ito sa presidential race.

“Meron pa kaming unfinished business with Mayor Sara because I did say na we have to sit down and talk about what to do with her followers. And we have not had this opportunity to discuss because right after the last day of filing, she developed COVID,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?