1,360
views

By

Mayor Sara: Huwag n’yo pakinggan si Duterte kapag tungkol sa Bibliya

Sharing is caring!

Pinayuhan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag makinig at mag-aksaya ng panahon dito.

Sa harap na rin ito ng inaaning batikos ng Pangulo sa naging pahayag nito at pagkuwestiyon sa Diyos at sa unang bahagi ng Bibliya.

Sa Facebook at Instagram post ng alkalde, sinabi nitong huwag makinig sa interpretasyon ng Pangulo sa Bibliya o Quran dahil hindi ito pari, pastor o imam.

Bilang Presidente, pakinggan lamang aniya ito kung nagsasalita patungkol sa kanyang trabaho, o kaya ay batikusin ito.

Huwag aniyang pag-aksayahan ang mga “talkkalese” ng Presidente at huwag sayangin ang negatibong enerhiya sa kanyang interpretasyon sa Bibliya.

Binigyang-diin pa ni Mayor Sara na kung anuman ang pagkakaintindi ng Presidente sa Bibliya ay sarili niyang opinyon ito at protektado ang kanyang karapatan sa ilalim ng Konstitusyon.

“Please do not listen to him interpret the Bible or Quran, he is not a priest, a pastor or an imam. He is the President, listen only when he speaks about his work. And criticize him on his work not on his “talkkalese”. Do not waste your negative energy on his interpretation of the bible, that is his opinion. He is protected by the Constitutional right to freedom of speech and expression even if he is President,” anang alkalde sa kanyang social media post.

Kasabay nito inamin ng alkalde na siya ang paborito ng Presidente sa mga anak nito kaya’t wala aniyang kuwenta ang kampanyang #babaeako na tumutuligsa sa pagiging anti-women ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Mayor Sara na ang ayaw ng Pangulo ay hindi nakabatay sa kasarian kundi sa karakter at kahinaan ng isang tao.

“This is the first time I will say it out loud and I hate to admit it because I love my two brothers too much but yes I am the favorite child, so that #babaeako campaign is doomed. What he doesn’t like lies not in the gender, but in the character, he has no respect for weakness. And many women and some men are known to be damsels in distress, that #babaeako included,” dagdag pa ni Mayor Sara. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?