470

By

Mayor Sara: Hindi ugali ni Digong na mandaya

Itinanggi ni Davao City Mayor Sara Duterte ang akusasyon ni Jose Maria Sison na mamaniobrahin ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 elections para pumabor sa kanya ang resulta.

Anang alkalde, hindi gawain ng kanyang ama ang mandaya dahil wala umanong dignidad sa panalo na galing sa pandaraya.

Dagdag pa niya, lagi silang pinaalalahanan nito kada eleksiyon na huwag mandaya na prinsipyo umano ng Pangulo noong alkalde pa ito ng Davao City at hindi ito mababago kahit pa Pangulo na ito.

Samantala, nanawagan naman si Inday Sara sa Commission on Elections na agad solusyunan ang nangyaring “glitch” sa ginanap na overseas absentee voting sa Rome kung saan dalawang official ballot ang nasa loob ng isang envelope ng overseas voter sa Rome.

Ayon sa Comelec, minarkahan na umano ang isa sa mga balota ng “spoiled”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?