sara-duterte
By

Mayor Sara, hindi saling-pusa sa biyahe sa China – Duterte

Sharing is caring!

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbitado si Davao City Mayor Sara Duterte sa Boao Forum for Asia kaya siya kasama sa delegasyon sa Hainan, China.

Inihayag ito ng Pangulo pagdating sa bansa kaninang madaling-araw matapos tanungin kung magiging regular nang kasama ang alkalde sa mga susunod na biyahe nito.

Ayon sa Pangulo, hindi niya masagot ang mga susunod na biyahe kung iimbitahan din ang anak na alkalde o ang ibang miyembro ng kanyang pamilya.

“She went there per invitation ‘yan. I don’t know about other trips coming along my way during my term whether or not they would allow maybe invite my family, my friends like you. Hindi ko masagot ‘yan with certainty. She was there because she was invited,” anang Pangulo.

Kasama rin sa biyahe ang apo ng Presidente na si Stingray at ang partner nitong si Honeylet Avanceña na ipinakilala sa Filipino community.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?