35

Nov 17, 2021 @ 18:55
By

Mayor Sara chairperson na ng Lakas-CMD

Tinanggap ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang alok ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., na maging chairperson ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

“I am honored to accept the Chairmanship of Lakas-CMD. Together with the party, I look forward to waging a successful campaign for Uniteam BBM-Sara, with the invaluable support of our fellow Filipinos,” sabi ni Carpio sa isang pahayag.

Si Carpio ay tumatakbo sa pagkabise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD na nakipag-alyansa sa Partido Federal ng Pilipinas na pinamumunuan ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr., na tumatakbo sa pagkapangulo.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kaibigan nitong si Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang sinusuportahan nito sa pagkapangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?