268

By

Mayor Sara, Bong Go nagdadrama na hindi tatakbo sa 2019 – Trillanes

Sharing is caring!

Tinawag ni Senador Antonio Trillanes IV na drama at pag-arte ang paulit-ulit na pahayag nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi sila tatakbo sa pagka-senador sa 2019.

Ayon kay Trillanes, wala itong kaibahan sa naging taktika ni Pangulong Rodrigo Duterte na paulit-ulit noong nagsabi na ayaw niyang tumakbo sa pagka-pangulo kahit matagal na iyong planado.

Sa kaniya raw impormasyon at pag-aanalisa, pakakandidatuhin si Mayor Sara sa pagka-senador para maihanda ito sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 sakaling hindi magtagumpay si Pangulong Duterte sa mga balak nito para maging habambuhay sa Malacañang.

Gusto umano ng Pangulo na magtagal sa poder kaya balak magdeklara ng martial law, o kaya ay ng revolutionary government at ipinababago ang Konstitusyon.

Kapag hindi nagtagumpay, huling baraha umano ang pagpapaakyat sa Malacañang kay Mayor Sara.

Sa kaniyang social media account, sinabi ni Mayor Sara na lubayan siya ni Trillanes dahil nananahihimik siya sa Davao City pero tatakbo raw siya kapag napikon.

“Hindi ko naman siya pansin eh. Inilatag ko lang ang impormasyon. And this decision (na tumakbo sa pagka-senador) was made for her,” ani Trillanes.

Ayon sa senador, ginagawa lang siyang excuse kung paanong idinahilan din ni Pangulong Duterte si Senadora Grace Poe nu’ng kumandidato sa pagka-pangulo.

Samantala’y nag-iinarte at nagsisinungaling naman aniya si Go na hindi tatakbo dahil nakapaskil na sa Edsa at sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga billboard na may mukha nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?