64

Nov 19, 2021 @ 18:58
By

Mayor Sara balik HNP

Nagbalik si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang chairperson ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Sa isang pahayag, sinabi ni Carpio na hahawakan nito ang chairmanship ng HNP kasabay ang pagiging chairperson ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) kung saan siya tumatakbo sa pagka-bise presidente.

“I am happy to be home and back into the fold of our beloved Hugpong ng Pagbabago as its Chairperson. The HNP Chairmanship I now hold concurrently with the Chairmanship of Lakas-CMD with the permission of Lakas,” sabi ni Carpio.

Nanawagan si Carpio sa kanyang mga kasama sa HNP na ipagpatuloy ang pagpapalakas sa rehiyon kasabay ng tapat na paglilingkod sa mamamayang Pilipino.

Noong nakaraang linggo ay naghain ng kanyang pagbibitiw si Carpio sa HNP ilang oras bago manumpa bilang miyembro ng Lakas-CMD.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?